Paano nga ba Carmina?
"I'm really, really sorry". Yun lang ang aking nasambit sa celphone habang nagmamaneho. Tumawag ang aking kaibigan upang ibalita na wala na sila ng kanyang asawa ng sampung taon. Hindi ko ikinagulat na sila'y nag desisyong maghiwalay. Hindi ko rin ikinagulat na ang dahilan ay sapagkat ang kanyang asawa pala ay bakla. Ako'y napagsabihan na dati tungkol sa trabajo at gawi ng kanyang asawa kaya medyo may hinala na ako. Ang aking pagkatuliro at pagkawalan ng masasabi ay dahil sa bugso ng aking emosyon na dinulot ng mga pangyayari. Hindi ko naintindihan ang aking naramdaman. Ako'y naluha habang nagmamaneho. Hindi ko na alam kung ano pa ang masasabi sa kausap ko sa kabilang linya, kundi "I'm really, really sorry". Hindi na ako nagtagal pa sa telepono at naintindihan ng aking kausap na ako'y bumabaybay pa ng C5. Ginusto ko siyang kausapin ng matagal ngunit wala akong naisip na masabi pa. Ako nga ay binalot ng pakiramdam na di ko naintind